Isa na namang kongresista mula sa Quezon ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Facebook account ng Quezon public information office, mismong si Quezon Rep. Aleta Suarez ang nagkumpirmakahapon

na kinapitansiya ng virus dalawang araw matapos na mahawaan din ng sakit ang asawang si Quezon Gov. Danilo Suarez.

Sumailalim aniya ito sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test nitong Mayo 6 bilang bahagi ng protocol dahil siya ay malapit o close contact sa asawang gobernador.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

“Bilang pagsunod sa protocols ng DOH (Department of Health), ako po ngayon ay naka-isolate sa aming tahanan habang mino-monitor ng doktor ang aking kalagayan,” anang pahayag ng mambabatas.

Kaugnay nito, nanawagan ang mag-asawang opisyal sa publiko na mag-ingat laban sa COVID-19 at tumalima sa health and safety protocols upang hindi na lumaganap pa nang husto ang sakit.

Bert de Guzman