CAGAYAN - Matapos ang 35 taong pakikipaglaban sa pamahalaan, sumurender na sa pulisya ang dalawang kasapi ng New People's Army (NPA)

na nakabase sa lalawigan, kamakailan.

Ayon sa Cagayan Provincial Police Office, ang dalawa na itinago sa pangalang alyas "Tirung", 58 at alyas "Benjie", 50, ay sumuko sa Alcala Police Station.

Ibinunyag ng dalawa na sumanib sila sa kilusan noong 1985 at namalagi sa mga liblib na lugar ng lalawigan, partikular sa bayan ng Rizal.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Inamin din nila na may ilang beses na din silang napasabak sa laban kontra tropa ng pamahalaan, lalo na noong t995 kung saan napatay ang ilan sa kanilang kasamahan.

Anila, nahihirapan na sila sa kilusan at nais na nilang magbagong-buhay kaya silang nagpasyang magbalik-loob sa gobyerno upang makapiling na rin ang kanilang pamilya.

Liezle Basa Inigo