ni ROBERT REQUINTINA

Napansin ni Gloria Diaz, ang unang Miss Universe ng Pilipinas, na mas maraming “older girls” ang lumalaban pa rin sa mga beauty pageants ngayon.

Ito ang reaksyon ni Diaz nang matanong kung ano ang pagkakaiba sa mga pageant noon at ngayon sa isang panayam sa CNN Philippines kung saan natanong din ang beauty queen sa motherhood ng kanyang anak na si Isabelle Daza.

“The girls are getting more beautiful, taller, healthier, but many are also older,” komento ng dating beauty queen-turned-actress.

Nasa 18-anyos pa lamang si Gloria ng koronahang Miss Universe 1969 sa Miami, Florida.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Nabanggit din niya na walang plastic surgery noon.