ni MERCY LEJARDE

Kasado na ang pagbabalik-telebisyon ng world-class singing competition for kids ng GMA Network na Centerstage simula ngayong Linggo, Mayo 9.

Tatlong linggo ring pansamantalang hindi napanood ang programa bilang pag-iingat sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Sa pagbabalik ng Centerstage, inaasahang mas pinatinding biritan ang ipamamalas ng kiddie contestants, na sigurado namang ikatutuwa ng judges ng show na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena.

Muli na ring mapapanood ang nakakaaliw na tandem ng hosts na sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at comedian Betong Sumaya.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Nananatiling defending champion ang young ukulele player mula sa Obando, Bulacan na si Oxy Dolorito. Abangan ang muling pagpapakitang-gilas ng aspiring Bida Kids sa Centerstage ngayong Linggo, 7:40 PM, bago mag-KMJS sa GMA.