(photo courtesy of Chook-to-Go Pilipinas)

Ni Edwin Rollon

ALCANTARA – Sa dikdikang laban sa krusyal na sandali, sapat ang tikas ng KCS Computer Specialist-Mandaue para maisalba ang reputasyon laban sa determinadong ARQ Builders Lapu-Lapu City, 74-64,sa do-or-die semifinals duel Miyerkoles ng gabi sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Matapos ang nakadidismayang laro sa unang laban Martes ng gabi, nakabawi ang KCS para kalusin ang Heroes at makamit ang pagkakataon na makaharap sa best-of-three championship ang walang talong MJAS Zenith-Talisay City.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Awtomatikong umusad sa Finals ang MJAS Zenith matrapos walisin ang six-team double-round eliminations ng kauna-unahang professional basketball league sa South. Nakatakda ang Game One ng best-of-three series sa Biyernes (Mayo 7) ganap na 6:00 ng gabi.

Bumawi si Gryann Mendoza, nalimitahan sa limang puntos nitong Martes, sa nakolektang 25 puntos, tampok ang 5-of-7 shooting sa three-point area, walong rebound, isang assist, isang steal at dalawang blocks.

Nabitiwan ng KCS ang tangan na 60-45 bentahe sa final period ang umarya ang ARQ, tampok ang siyam na sunod na puntos ng beteranong wingman na si Jojo Tangkay para maidikit ang iskor sa 62-64 may 3:27 ang nalalabi sa laro.

Nakahirit naman si Mendoza nang magkasunod na opensa ng KCS at sa krusyal na turnover ni ARQ forward Dawn Ochea at nakaiskor si Michole Sorela mula sa pas ani Mendoza para sa 68-62 bentahe tungo sa huling 1:25 minuto.

“Wala ng Xs and Os. We already knew how they play and they knew how we play. It’s all about who will want it more,” pahayag ni KCS coach Mike Reyes. “I didn’t write anything on the board nor did we talk about any plays. I just gave them a small pep talk to motivate them a little bit.”

Nalimitahan ng KCS si Reed Juntilla, nagtala ng averaged 22.6 puntos s hauling tatlong laro ng ARQ, sa mababang 13 puntos mula sa 6-of-17 shooting. Kumana si Tangkay ng 12 puntos at tumipa si Ochea ng 15 puntos at 16 rebounds.

Iskor:

KCS-Mandaue 74 - Mendoza 25, Tamsi 7, Sorela 6, Imperial 6, Octobre 5, Exciminiano 5, Soliva 5, Nalos 4, Bregondo 4, Roncal 3, Bonganciso 2, Cachuela 2, Delator 0, Mercader 0.

ARQ Lapu-Lapu 64 - Juntilla 13, Tangkay 12, Ochea 11, Lusdoc 6, Canada 6, Minguito 4, Mondragon 3, Galvez 2, Arong M. 1, Senining 0, Arong F. 0.

Quarterscores: 28-15, 46-32, 57-45, 74-64.