June 06, 2026

Home BALITA

ATOM, umalma sa ibinasurang kaso vs. pamilya Marcos

ATOM, umalma sa ibinasurang kaso vs. pamilya Marcos
Photo Courtesy: ATOM (FB), via MB

Naglabas ng pahayag ang August Twenty One Movement (ATOM) matapos ibasura ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa kasong pagbawi sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Sa isang Facebook post ng ATOM nitong Sabado, Hunyo 6, sinabi nilang hindi umano katanggap-tanggap ang ginawa ng Sandiganbayan.

“The Sandiganbayan's latest dismissal of the Marcos family's ill-gotten wealth case, and the way the PCGG, which is supposed to prosecute the Marcoses, appears to have waved the white flag. THIS IS TOTALLY UNACCEPTABLE,” saad ng ATOM.

Hindi umano nangangahulungag dapat nang ipawalang-bisa ang mga kaso laban sa mga Marcos dahil lang pinapalabas na pangunahing kontrabida ang mga Duterte.

“Akala ninyo hindi namin papansinin ito? Sobrang halata naman iyong timing nito!” dugtong pa ng ATOM.

Probinsya

Senior citizen, pinagtataga sa leeg ng sariling anak!

Kaya naman kung hahabulin ang mga Duterte sa mga kasalanan ng mga ito, dapat lang din umanong panagutin ang mga Marcos at Romualdez.

Anila, “It's not about politics. It's about ending this cycle of curse in our country. The original sin of failing to hold the Marcoses accountable remains.”

Matatandaang ayon sa inilabas na resolusyon ng Special Division ng Sandiganbayan noong Hunyo 2, nakasaad doon na tinuldukan na umano ang natitirang mga claim matapos mapagdesisyunan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na hindi na maglatag ng karagdagang ebidensya sa Civil Case No. 0141, dahil karamihan sa mga ari-arian ay naisauli na sa iba’t ibang kaso.