(photo courtesy of Chooks-to-Go Pilipinas)

Ni Edwin Rollon

ALCANTARA — Sinopresa ng ARQ Builders Lapu-Lapu ang liyamadong KCS Computer Specialist-Mandaue tangan ang malapader na depensa tungo sa dominanteng 67-52 panalo Martes ng gabi para mapanatiling buhay ang kampanya sa Finals ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Tangan ang twice-to-beat advantage sa semifinals match-up, muling haharapin ng KCS ang ARQ ngayong Miyerkoles (Mayo 5) ganap na 6:00 ng gabi. Ang magwawagi ang haharap sa naghihintay na MJAS Zenith-Talisay City sa best-of-three championship match na nakatakdang simulant sa Biyernes (Mayo 7). Awtomatikong umusad sa Finals ang Aquastars nang mawalis ang six-team double round elimination ng kauna-uanhang professional basketball league sa South.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinangunahan ni Reed Juntilla ang ratsada ng Heroes sa naiskor na 19 puntos, tampok ang four-point play sa final period na nagpatatag sa bentahe ng ARQ, bukod sa anim na rebounds, dalawang assists, isang steal, at isang block.

Nag-ambag si Dawn Ochea ng 15 puntos at 16 rebounds.

Sa kombinasyon ng opensa nina Juntilla at Ochea, sumagitsit ang ARQ sa 39-29 bentahe sa halftime at nanatili ang double digit na bentahe sa 51-40 tungo sa final period.

“The big difference was everyone responded well. Everybody chipped in in their own little way,” pahayag ni ARQ assistant coach Jerry Abuyabor. “Kahit yung bench namin was so positive, talking and encouraging one another. We played as a team,” aniya.

Nalimitahan ng depensa ng ARQ ang scorers ng KCS na pinangunahan ni Al Francis Tamsi na may siyam na puntos.

Iskor:

ARQ Lapu-Lapu (67)—Juntilla 19, Ochea 15, Senining 8, Tangkay 8, Lusdoc 6, Galvez 4, Mondragon 3, M. Arong 2, Minguito 1, Berame 1, Cañada 0, Abad 0, Regero 0.

KCS-Mandaue (52)—Tamsi 9, Imperial 8, Exciminiano 6, Octobre 5, Sorela 5, Mendoza 5, Soliva 3, Delator 2, Roncal 2, Nalos 2, Mercader 2, Bongaciso 2, Cachuela 1, Bregondo 0, Castro 0.

Quarterscores: 20-20, 39-29, 51-40, 67-52.