ni BETH CAMIA
Aabot na sa 59,669 reklamo ang natanggap na ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa mga indibidwal kaugnay sa pamamahagi ng cash assistance para sa naapektuhan ng dalawang linggong enhanced community quarantine sa NCR plus noong Marso.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, nasa 24,421 cases ang naresolba, habang 39,781 ang sumasailalim sa deliberation, kabilang ang mga inendorso sa mga kaukulang ahensya.
Target nilang resolbahin ang lahat ng reklamo bago ang deadline ng distribution sa May 15.
Sa ngayon, 74.35% ng P22.9 bilyong ayuda ay naipamahagi na sa higit 17 milyong indibiduwal.