ni DANNY ESTACIO

PADRE BURGOS, Quezon— Isang magsasaka ang napatay makaraang tagain ng kapwa magsasaka na nauna niyang sinugod ng itak sa Sitio Bisig, Bgy. Cabuyao Sur, sa nasabing bayan, kamakailan.

Kinilala ang biktima ay kinilala na si Ronie Burgos, 37 at ang suspek na si Antonio Amedo, 50, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, naunang sumugod ang biktima na armado ng itak habang ang suspek ay nakatayo sa isang tindahan.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Kasama pa umano ng biktima ang isang Guiller Jordan na kapwa nasa impluwensya ng alak.

Tinaga ng biktima ang suspek, gayunman, nailagan niya ito at nang gumanti ay tinamaan ng taga ang una.

Naaresto naman ang suspek at kakasuhan ng homicide.