ni REMY UMEREZ

Isa sa mapagkaka-tiwalaang host at newscaster na missed namin ang presence ay walang iba kundi si Paolo Bediones. At ang magandang balita, simula May 3 mula Lunes hanggang Biyernes ay mapapanood si Paolo sa Frontline Sa Umaga sa (TV5).

Ano ang pinagkaabalahan ni Paolo sa loob ng limang taong pamamahinga?

Tinapos niya ang pag-aaral sa Asian Institute of Management Masters in Entrepreneurship. Pinasok niya ang TV Production at food service. Nagtayo siya ng resto. Ang Punta na venue para sa live music.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Mahigit na 30 TV shows ang nilabasan ni Paolo kabilang ang popular na Extra Challenge at Survivor Philippines. Ang pagbabalik TV ay answered prayer kay Paolo. Ang 30 minute news program ay may dulot na good vibes sa televiewers.