Bakit nagkaaberya sa Nat’l ID registration?
Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi nakayanan ng kanilang website ang dami ng nagbukas ng kanilang portal kaya nagkaroon ng aberya sa kanilang online registration para sa National ID System.
Bunsod nito ay agarang nagpaabot ng paumanhin ang PSA. Sa talaan, aabot sa 40,000 registrants request ang kanilang natanggap sa unang minuto nang ilunsad ang nasabing sistema.
Dahil dito ay naapektuhan rin ang pagpapadala nila ng one-time passwords (OTP) na kailangan para sa registration. Tiniyak ng PSA na mareresolba nila kaagad ang nasabing problema.
Beth Camia