ISANG drive-thru community pantry ang itinayo ng Manila Police District (MPD)- Sampaloc Police Station 4 (PS-4) para sa mga tsuper bilang tulong at pasasalamat sa Araw ng Paggawa kahapon,

Ayon kay PCapt. Philipp Ines, Administrative officer ng MPD-PS4, target beneficiary nila para sa naturang drive-thru community pantry ang mga jeepney driver, taxi driver at tricycle driver sa kanilang nasasakupan.

Aniya, ang lahat ng mga tsuper na dumaan sa community pantry ay nabigyan ng libreng almusal at ayudang food packs.

Pinagkalooban din aniya nila ang mga ito ng food packs na naglalaman ng bigas, noodles at canned goods.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Mary Ann Santiago