ni JUN FABON

Nakakulong na ngayon ang isang 67-anyos na lalaki matapos maaresto sa ikinasang online delivery ng shabu sa Cubao, Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Antonio Yarra, kinilala ang suspek na si Jaime Munio, alyas “Omeng”, residente ng 7-J Natib St., Bgy. Kaunlaran, Cubao.

Dakong 12:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Saint Paul St., cor. N. Domingo St., Bgy. Horsehoe, Cubao.

Nakumpiska kay “Omeng” ang limang sachet, buy-bust money at isang motorsiklo.

National

Birth verification ng higit 29k senior citizens, pinaigting sa mas pinabilis na access sa mga benepisyo

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.