ANUMAN ang kasalukuyang sitwasyon, asahang nakaantabay ang MILO para masiguro ang kaligtasan at kalusugan sa kabataang Pinoy.

Sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan ng Davao City, inilunsad ng MILO ang

Sports Interactive Caravan kamakailan sa Bahay Pag-asa sa Davao City. Ang programa ay isinaayos upang mas maigting na maisakatuparan ang sports and physical activity sa pamamagitan ng broadcast at social media – dalawang medium na hindi makokompromiso ang kalusugan ng indibidwal at maging ang komunidad.

Ang Sports Interactive Caravan ay malawakang sports program na kinabibilangan ng 170 barangays mula sa lahat ng tatlong distrito ng Davao kung saan tinatayang aabot sa 1.8 milyon Davaoeños ang makakalahok sa recreational and competitive sports. Sa pamamagitan ng City Sports Office, bibisitahin ng caravan ang mga barangay tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes ganap na 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon para isagawa ang instructional sports videos ng MILO, kabilang ang Champion Habit initiative, ang program ana binuo katuwang ang DepEd para sa Physical Education (P.E.) classes ng mga kabataan sa buong bansa.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

“We are fully committed to supporting the local government of Davao City in their effort to reintroduce sports activities in the different municipalities and nurture the future sports heroes,” pahayag ni Lester P. Castillo, Assistant Vice President, Nestlé Philippines-MILO.

“The Aktibo Davaoeño Sports Interactive Caravan is aligned with our thrust to continue finding ways to get children into sports despite the challenges of the situation. Regular physical activities also promote postitive mental health. Mula noon, hanggang ngayon, anuman ang panahon, magtutulung-tulungan tayo para ipagpatuloy ang kanilang pagiging champion. MILO along with its partners like the Davao City Sports Office will enable more children to achieve proper nutrition, lead active lifestyles, and become champions of tomorrow,” aniya.

Bawat session ay may kasamang kaalamn hingil sa standard safety protocols na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at local government of Davao City. Bukod sa limitadong bilang nbg mga kalahok, sinisiguro na ipatutupad ang paggamit ng protective equipment tulad ng face masks, face shields, at physical distancing regulations. Kabuuang 25 kalahok ang bubuo ng bawat batch ng klase, Bukas ang caravan sa lahat.

Sa patuloy na pakikipagtambalan ng MILO sa iba’t ibang institusyon at organisasyon, hinihikayat ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anan na makamit ang pangarap na siyang nilalaman ng Mula Noon, Hanggang Ngayon na programa.

Sundan ang Sports Interactive Caravan sa inyong komunidad sa pamamagitan ng Facebook Page ng Davao City (https://www.facebook.com/davaocitygov). Hinihikayat din ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak sa pagbisita sa MILO Philippines YouTube channel (https://www.youtube.com/channel/UCZ2Wzb2qXmrCgIYnPq6VfvQ/playlists) at MILO Facebook page (www.facebook.com/milo.ph).