CAGAYAN- Nagbalik-loob sa pamahalaan ang pitong kaanib ng New People’s Army (NPA) mula sa Zinundungan Valley, Rizal at Sto Niño, Cagayan, kamakailan.
Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na isang M16 Armalite rifle, dalawanghomemade shotgun, mga bala ng baril, isang hand grenade, tatlong rifle grenade, anti-personnel mine, at mga subersibong dokumento.
Kuwento nila,sobrang hirap ang kanilang naranasan sa loob ng kilusan lalo na nang mawalan sila ng mga kagamitan matapos makumpiska sa nangyaring engkwento sa bayan ng Flora, Apayao nitong Marso 14, 2021.
Sinabi rin ng mga ito na masakit sa kanila nahindi nakikita ang kanilang pamilya kaya sila nagpasya na sumuko.
Liezle Basa Iñigo