ni STEPHANIE BERNARDINO

Isang sweet at warm birthday greeting ang ipinost kamakailan ni Min Bernardo, ina ni Kathryn Bernardo, para sa longtime reel and real partner ng kanyang anak, si Daniel Padilla.

“Happy 26th birthday @supremo_dp. Mahigit na 10 taon ka na naming nakilala, mula nung nagsisimula ka pa lang magbinata, nakita ko ang kalokohan at kapilyuhan mo sa lahat ng bagay pero napagdaanan nating lahat ang mga yan. Nakita din naming lahat ang tunay na Daniel John Ford, maalaga, mapagmahal at mabait na anak at kapatid. Ngayon, muling nadagdagan na naman ng isang taon ang iyong edad, we always pray that God bless you more, gives you strength and teach you more additional knowledge to face the future,” pagbabahagi nito sa Instagram.

Samantala, masayang ibinahagi naman ng ina ni Daniel, si Karla Estrada, ang effort ng kanyang mga kaibigan sa pag-oorganisa ng isang community pantry sa kanilang hometown sa Tacloban kasabay ng ika-26 birthday ng kanyang anak.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?