ni NEIL RAMOS

Single na ulit si Kiko Estrada.

Inamin ito ng aktor sa kanyang virtual appearance sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, kamakailan.

Sa katunayan, ang kanyang ina na si Cheska Diaz, ang nagtanong hinggil sa kanyang relationship status.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Mabilis naman na kinuha ni Kiko ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang panig.

“I guess I can answer that. Yeah, I’ll take this one from my mama. I think it’s a proper way for a man to say my status in life. Well yeah, I’m single,” saad ni Kiko.

Matatandaang bago ito, naging laman ng usap-usapan ang aktor at ngayo’y ex-girlfriend nitong si Devon Seron hinggil sa isyu ng “cheating.”

Naging isyu run ang pagkakasangkot umano ni Heaven Peralejo dito.

Agad namang itinanggi ni Heaven na may kinalaman siya sa paghihiwalay ng dalawa.

Ngayon, sinabi ni Kiko na pagtutuunan muna niya ang kanyang trabaho.

Taong 2019 nang kumpirmahin nina Kiko at Devon ang kanilang relasyon.