ni LIGHT NOLASCO 

STA. ROSA, Nueva Ecija— Napatay ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Bgy. Soledad, nitong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat na isinumite ni Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Nueva Ecija Police Drug Enforcement Unit kay Col. Jaime Santos, Police director ng lalawigan, kinilala ang isa sa

napaslang na si Manny De Guzman, nasa hustong gulang, residente ng San Rafael, Bulacan, habang ang isa ay wala pang pagkakakilanlan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang engkuwentro dakong 3:35 ng madaling araw.

Bigla na lamang umanong lumaban ang dalawa nang tangkain itong arestuhin ng mga pulis na ikisawi ng mga ito.

Nasamsam sa mga ito ang P270,000 halaga ng iligal na droga at mga baril na umano’y ginamit ng mga suspek.