ni REMY UMEREZ

Idagdag ang apat na singers bilang bagong miyembro ng 'The Squad Plus.' Sina Sam Cruz, Angela Ken, KD Estrada at Anji Salvacion na pinagbuklod ng musika.

Ang 18 year-old na si Angela ay nakilala ng mag-viral ang kinathang kanta sa TikTok. Agad siyang kinontak ng Dreamscape at isinama sa The Squad Plus. Balak iprodyus ng Star Music ang full version ng Ako Naman Muna.

Singing ang unang pag-ibig ng anak ni Sunshine Cruz na si Sam. Regular siya sa ASAP Natin ‘to at gusto niyang maging artista tulad ng kanyang magulang.

Relasyon at Hiwalayan

Kris, may tatlong bet na girls para kay Bimby

Ilan naman sa kathang awitin ng Star Music Artist KD Estrada ay Sa Puso Mo, One of Many at Saves It's, na itinampok sa Unloving U.

Nasa 16-anyos nang mag-audition sa Idol Philippines si Anji Salvacion at na-impress si James Reid. Bahagi siya ng ASAP na katuparan ng pangarap ni Anji.