ni DANNY ESTACIO

CALAUAN, Laguna—Arestado ang isang online seller ng shabu sa isang buy-bust operation nitong Sabado, sa Barangay Sto. Tomas, sa nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si Anthony Marsaba, 38, binata, at naninirahan sa NHA Site 3, B55 L14 Bgy. Sto. Tomas.

Sa ulat ng Calauan Municipal Police Station, nagsagawa ng balidasyun ukol sa impormasyon sa sinasabing iligal na gawain ng suspek na isinasama sa online selling ang umano’y shabu.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang makumpirma ang iligal na gawain, agad nagsagawa ang pulisya ng buy-bust operation kung saan naaresto si Marsaba, matapos tumanggap ng marked money kapalit ng isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa preventive search, nakumpiska pa ng pulisya sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang tumitimbang ng .20 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P2, 000.

Itinurn-over na ang suspek at mga nakumpiska sa Regional Crime Laboratory Office (RCLO) para sa kaukulang pagsusuri, habang mahaharap si Marsaba sa kasong paglabag sa Article II, Sec 5 at 11 ng RA 9165.