ni MARY ANN SANTIAGO

Magandang balita dahil isang mananaya mula sa Quezon province ang nakapag-uwi ng P24-milyong jackpot nang magwagi sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 12-05-30-10-28-27 na may katapat na jackpot prize na P24,438,458.20.

Nabili aniya ng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Lucban, Quezon.

Mga kontrobersyal na pahayag noon ni FPRRD 'di sapat para ikonekta sa EJK— Kaufman