ni MARY ANN SANTIAGO

Isang lalaki ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) habang tumatawid sa riles sa Tondo, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang masawi na si Walter Orbase, 36, at taga-Tondo.

Sa inisyal na ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District (MPD), ang insidente ay naganap sa Hermosa St., dakong 4:20 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumatawid umano ang biktima sa riles, ngunit hindi napansin ang paparating na tren sa northbound lane.

Dahil dito, nahagip ang biktima at nasagasaan, na nagresulta sa pagkamatay nito.