ni BETH CAMIA

Tiniyak ni vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na makakapamili na ang ating mga kababayan ng brand ng bakuna na nais nila pagdating ng buwan ng Agosto hanggang Disyembre.

Ginawa ni Galvez ang garantiya dahil inaasahang darating sa bansa ang pitong vaccine brands sa nasabing panahon.

Sa kasalukuyan, aniya, tanging ang Sinovac at AstraZeneca pa lang ang naririto sa Pilipinas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa susunod na buwan, tatanggap din aniya ang bansa ng Moderna, Novavax, at Johnson & Johnson gayundin ng Pfizer.