ILIGAN CITY ‒ Isinailalim sa hospital arrest ang isang dating alkalde ng Lanao del Norte kaugnay ng kasong pamamaslang sa karibal sa politika na isinampa laban sa kanya nitong 2016.

Inihain ang warrant of arrest sa datingSalvador, Lanao del Norte Mayor Johnny Tawan-tawan habang nakaconfined sa St. Luke’s Medical Center sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Isinasangkot si Tawan-tawan sa pagkakapaslang kay Salam Umpa Bangcola, 73, noong Abril 22, 2016.

Sa rekord ng pulisya, sinalakay ng mga armadong supporter ni Tawan-tawan ang kanilang compound na ikinasawi ni Salam matapos matamaan ng bala sa ulo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa anak ng biktima — si Abdul Nasser “Bebot” Umpa Bangcola, nag-ugat ang lahat nang kumandidato ito bilang alkalde, kalaban ang anak na lalaki ni Tawan-tawan.

Nilinaw ng mga awtoridad, bukod sa sakit sa puso, nakaratay sa ospital si Tawan-tawan bunsod ng COVID-19.

Bonita Ermac