ni LEANDRO ALBOROTE
Dalawa sa limang sugarol ng kuwaho ang nalambat sa raid ng pulisya sa Sitio Lavista, Barangay San Rafael, Tarlac City, Lunes ng hapon.
Sinabi ni Police Staff Sergeant Carlo Calaguas, may hawak ng kaso, ang mga naaresto ay sina Ermie Camaya, 27, may-asawa, at Joy Castro, 25, single.
Nakapuslit naman sa mga pulis sina Francis Munoz, nasa hustong gulang; Nenita Maliwat, nasa hustong gulang, may-asawa, at Arian Francia, nasa hustong gulang, lahat ay residente ng nasabing lugar.
Dakong 5:30 ng hapon ay nakatanggap ng report si Tarlac Police Chief Lieutenant Colonel Modesto Flores Carrera na may
nagaganap na illegal gambling o kuwaho sa Sitio Lavista at nirespondihan ng pulisya.
Narekober sa dalawang naarestong suspek ang isang set ng baraha at P540taya.