ni LEANDRO ALBOROTE

Isang pasahero ng Honda TMX 125 Motorized Tricycle ang nasugatan matapos sumalpok sa kasalubong na Ford Ranger Wildtrak sa Camella Road, Barangay Maliwalo, Tarlac City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Senior Master Sergeant Alexander G. Siron, traffic investigator, ang biktimang si Marife Diola, 46, asawa ng tricycle driver na si Bienvenido Diola, Jr., 47, at residente ng Zone 1, Barangay Care, Tarlac City.

Samantala, ang sangkot na behikulo ay may plate number CAG- 2585 na minamaneho ni Aaron John Macapagal, 32, may-asawa, ng Camella Homes, Barangay Maliwalo, Tarlac City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dakong 6:00 ng gabi habang ang pickup truack ay patungo sa Timog ay biglang nagkaroon ng aberya ang kasalubong na tricycle hanggang masalpok nito ang kaliwang bahagi ng behikulo na ikinasugat naman ng pasahero nitong tricycle.