ni LEANDRO ALBOROTE

Nalutas na kahapon ng pulisya ang brutal na pagpaslang sa isang aircon technician na tinambangan noong Biyernes ng gabi ng riding-in-tandem criminals sa Aquino Street, Barangay San Miguel, Tarlac City.

Batay sa isinumiteng report sa tanggapan ni Tarlac Police Chief Lieutenant Colonel Modesto F. Carrera, ang pinagbabaril sa iba't ibang parte ng katawan ay si Redentor Oro, 48, binata, ng Castañeda Street, Barangay San Miguel, Tarlac City.

Nang mag-follow up ang pulisya sa kaso ay isang witness ang boluntaryong nagtungo sa Police Community Precinct (PCP)- 4 at nagbigay ng sworn attestation, na ang isa sa suspek na pumaslang ay si Richard Tercenio, nasa hustong gulang, ng nabanggit na lugar. Ang kasamahan nitong suspek ay patuloy pang pinaghahanap ng pulisya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?