ni Light A. Nolasco
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang 51-anyos na akusado sa two countsof rape at kasong acts of lasciviousness matapos makorner ng warrant operatives ng Cabanatuan City Police Station sa Barangay Sumacab Norte ng naturang lungsod kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni PLt. Col. Barnard Danie Dasugo, City Police Chief angsuspek na si Alberto Soriano Jr., may-asawa, residente ng nasabinglugar na mapayapang sumuko sa arresting team.
Si Soriano Jr., ay akusado sa kasong two-counts of rape at acts of lasciviousness noon pang Agosto 18, 2018 sa sala ni Judge Johnmuel Romano RD Mendoza ng RTC Branch 26, Cabanaruan City na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.
Dakong 9:00 ng umaga nang madakip ang suspek na bulontaryong
isinuko ang sarili sa mga awtoridad nang makorner sa pinagtataguang lugar.
Tatlong taon din ang ginugol ng pulisya sa pagtugis at paghahanap sa suspek hanggang sa matunton ng tracking team ang hideout nito.
Nasa kostudiya na ng CCPS male custodial facility ang suspek habang naghihintay ng committment order mula sa korte.