ni NEIL PATRICK NEPOMUCENO

Huwag umasa na mapapanood nating muli si Cherry Pie Picache sa goody-goody characters any time soon.

Hindi kasi niya maitanggi ang katotohanan na gusto niya ang pagganap sa mga “kontrabida roles.”

Paliwanag ng aktres sa isang panayam nitong Lunes, “Kontrabida roles talaga gusto ko, marami ‘kang pwedeng gawin; nakakapagod kapag yung mga nanay roles, puro iyak!”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Sa kasalukuyan, ginagampanan ni Cherry ang role ni Amelia sa Walang Hanggang Paalam, na malapit na ring magwakas.

Cherry Pie

Pinuri niya ang bawat cast at buong produksiyon ng serye para sa kanilang trabaho at dedikasyon sa nakalipas na pitong buwan.

Isang mahirap na karanasan din ang pinagdaanan ni Cherry, 50, na nakipaglaban kamakailan sa COVID-19.

“Hanggang ngayon nagpapalakas pa, pero siyempre dapat tuloy ang buhay so dapat you have to continuously prepare when you go out. Take vitamins, monitor oxygen levels,” pagbabahagi ng aktres.

Mapapanood ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z, TV5 at Kapamilya Channel.