ni Stephanie Bernardino

IBINAHAGI kamakailan ni AJ Raval na gagawin niya ang remake ng erotic thriller na Scorpio Nights.

“Sa totoo lang po gagawin ko po yung remake ng Scorpio Nights,” pagkumpirma ni AJ sa isang interview kamakailan nang matanong ito kung willing ba siya na magpakita nang katawan sa screen.

“Kaya ko naman pong gawin kung kailangan,” dagdag pa ni AJ.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ito’y sa kabila ng pag-amin ni AJ na napagalitan siya ng kanyang ama, ang action star na si Jeric Raval.

AJ

Sa katunayan, may isang pagkakataon, aniya, na pinatanggal ng kanyang tatay ang

kanyang topless photo sa Instagram.

“Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po ako kung work lang po, kapag kailangan,” kuwento ng aktres.

“Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako,” giit pa ni AJ.

Kamakailan lamang ay bumida si AJ sa pelikulang, Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Gumanap sina Orestes Ojeda, Daniel Fernando at Anna Marie Gutierrez sa orihinal na “Scorpio Nights” noong 1985. Patungkol ang kuwento nito sa isang binata at babaeng may asawa na nasangkot sa isang “uncontrollable urge for sex.”