ni Leandro Alborote

Puspusan ang operasyon ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) kung saan ay tatlong suspected pushers ang nalambat sa buy-bust operations sa Sitio Mangga 1, Barangay Matatalaib, Tarlac City kamakalawa ng hapon.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Major Rocky De Guzman, hepe ng PPDEU), at matagumpay na natiklo sina Kyle Baltazar, 18, single, estudyante ng Block 5, Barangay San Jose, Tarlac City; Christian Dale Durwin, 18, single ng Zone 6, Barangay Maliwalo, at Isang nagngangalang John, 17, ng Mangga 1, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Sa follow-up investigation ni Police Master Sergeant Benjamin D. Carreon, Jr, nagkunwang buyer ang kasamahan nitong pulis at nakuha sa posisyon nina Baltazar at Durwin ang dried marijuana leaves na may fruiting tops kapalit ng P1,000 marked money.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Nakumpiska kay John ang isang transparent plastic sachet ng dried marijuana leaves.

Ang mga narekober na ebidensiya ay dinala sa PPDEU Office, Camp Macabulos, Tarlac City para sa kaukulang pagsusuri at disposisyon.