ni Bella Gamotea

Naghihimas ngayon sa rehas na bakal ang isang kasambahat at kasama nitong senior citizen matapos arestuhin ng awtoridad sa isang buy-bust operation sa Makati City nitong Sabado.

Kasong Comprehensive Dangeorus Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek na kinilalang sina Noel Tecson y Laforteza,alyas Amang,64, at residente sa Barangay Olympia, Makati City; at Gloria Reyes y Pagcalinawan,alyas Ate Glo, 56,ng Alitagtag, Batangas.

Sa ulat ni Col Harold Depositar,hepe ng Makati City Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug enforcement Unit at Station Investigation Section sa pangunguna ni Lt Angelo Mendoza sa No. 7673 Infanta Street, Bgy. Olympia sa nasabing lungsod na ikinaaresto ng dalawang suspek dakong 5:30 ng hapon nitong Sabado.

National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!

Hindi na nagawang pumalag ng mga suspek nang arestuhin sila ng mga pulis matapos umanong bentahan ng hinihinalang iligal na droga ang police poseur buyer sa lugar.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang limang pakete na naglalaman ng umano’y shabu na 10 gramo at nagkakahalaga ngP74,120;coin purse at P500 buy-bust money.

Patuloy na sumasailalim sa kaukulang imbestigasyon ang mga suspek sa ilalim ni Cpl Ryan Rosendo, imbestigador ng Station investigation and Detective Management Section.