ni LEANDRO ALBOROTE

SAN MIGUEL, Tarlac City-  Isang aircon  technician na pinaniniwalaang nasa hit list ng mga di-kilalang armado ang itinanghal na bangkay sa Aquino Street, Barangay San Miguel, Tarlac City, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Corporal James S. Ong, investigator-on-case, ang pinaslang sa brutal na pamamaraan ay si Redentor Oro, 48, ng Castañeda Street, ng nasabing barangay na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa iba't ibang parte ng katawan.

Dakong alas 7:30 ng gabi habang nakasakay sa kanyang Honda Motorized Tricycle na may plate number CP=43875 na patungo sa hilaga ay inabangan siya ng motorcycle riding-in-tandem criminals at walang awang pinagraratrat na halos maligo sa sariling dugo.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Sinikap na isugod ang biktima sa Tarlac Provincial Hospital subalit sinawing palad na mamatay matapos ang ilang oras na gamutan na isinagawa ni Dr. Sherwin Bautista.

Nagsagawa na ng Oplan Kandado ang mga awtoridad tungo sa ikaaaresto ng riding-in-tandem criminals.