May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Babaeng iniwan ng jowa nang malamang buntis, patay sa panganganak sa CR!

Babaeng iniwan ng jowa nang malamang buntis, patay sa panganganak sa CR!
Photo courtesy: Unsplash

Patay ang isang babae matapos umanong manganak nang mag-isa sa loob ng isang boarding house sa Cagayan de Oro City.

Natagpuan ng mga residente ang biktima na wala nang buhay at duguan sa loob ng banyo ng inuupahang silid sa Barangay Bulua.

Sa hiwalay na bahagi ng kuwarto, nadiskubre naman ang kaniyang bagong silang na sanggol na may bakas ng dugo ngunit buhay.

Agad na dinala sa pangangalaga ng mga awtoridad ang sanggol at kasalukuyang mino-monitor ang kalagayan nito.

Ayon sa mga awtoridad, walang indikasyon ng foul play sa insidente. Batay sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang walang tumulong sa babae habang siya ay nanganganak at siya rin ang nagputol ng pusod ng sanggol.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Posibleng nagkaroon ng matinding pagdurugo ang biktima matapos ang panganganak, na itinuturong sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Lumabas din sa imbestigasyon na may kinakasama umano ang babae, ngunit nagkahiwalay ang dalawa matapos umanong madiskubre ng lalaki na hindi siya ang ama ng bata.

Sa ngayon, patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang mga kamag-anak ng babae upang maipaabot ang nangyari, dahil pumanaw na umano ang kaniyang mga magulang.