ni Fer Taboy

Kinumperma kahapon ng Philippine National Police (PNP) na sumampa na sa 43 ang naitalang namatay sa hanay ng pulisya dahil sa Covid-19 infections as of April 10,2021.

Ayon kay PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na ang ika-43rd Covid-19 fatality ay isang 53-years old na lalaking Police Commissioned Officer na naka destino sa PRO-3 na namatay noong April 10.

Sinabi ni Eleazar, sa datos na inilabas ng PNP Health Service nakapagtala ito ng 223 na bagong cases kung saan apat dito ay reinfection.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Habang nasa 278 naman ang naitalang new recoveries.

Sa kabuuan, nasa 17,194 na ang naitalang Covid-19 cases sa PNP kung saan 2,400 dito ay itinuturing na active cases.

Sa nasabing bilang na mga active cases, 83 dito ang nasa hospital habang 2,317 ang nasa mga isolation facilities.

Umabot sa 219,508 PNP personnel na ang isinailalim sa RT-PCR tests, at ang National Headquarters sa Camp Crame ay nasa 98.5% ng nagpa swab test.

Samantala, as of 6:00 AM ngayong April 11, 2021 nasa 162 PNP personnel na nagpositibo sa Covid-19 ang kasalukuyang ginagamot sa Kiangan Emergency Treatment Facility (KETF) sa loob ng Camp Crame.