ni Ador V. Saluta
Nakakaalarma ang mataas pa ring bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 lalo na sa Metro Manila na nakapagtala ng 6,414 na bagong kaso ng Covid-19 nitong April 7 na sa kabuuang kaso sa Pilipinas ay umabot na sa 819,164.
Naitala din ang kabuuang namatay sa bilang na 14,059, na siyang pinakamataas na Covid-19 infections sa Southeast Asia.Walang pinipili ang tinatamaan ng virus, kahit pa miyembro ng gabinete, doctors,at pati celebrities, hindi ligtas sa virus.
Gaya na lang ng aktres na si Rhian Ramos, na bibihira ang nakakaalam na kasama siya sa listahan ng mga nagka-Covid.
April 7, Wednesday, ikinuwento ng aktes sa kanyang Instagram na nag-positibo siya sa novel coronavirus,ganu'n din ang kanyang manager na si Rach Librado na nagka-Covid-19 din.
Ayon pa sa kanya, ngayo'y naka-recover na siya sa virus maging ang kanyang manager na ligtas na raw sa sakit..Sa kanyang video post, idinetalye ni Rhian ang mga pangyayari.
"It started with a fever. We isolated for the first few days, but found out we were both positive.Started feeling better Day 4 to 6. Together, we focused on getting better and making each other laugh. Some days, we'd feel better. Some days, we'd feel worse. But we stayed motivated and focused on our health and still found things to laugh about. 'Cause despite the scary days, at least we had each other," .
Sa kanyang post, may caption kung saan ito nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanilang pinagdaanan ni Rach.
"The past few weeks have been harrowing at times, but I'm not really here to scare anyone, just sharing how grateful I am for life, health, love, and friendship. Thank you to everyone who sent us encouragement and help through this experience. It meant the world to us and I'll always remember how much you've blessed us (you know who you are)," sey ni Rhian.
Being a Covid-19 survivor, may mensahe siya sa mga netizens tungkol sa mga dapat gawin at ang palaging pag-iingat..
"Can I just say though. The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the covid battle, stay motivated my friend. Keep your morale up. When you see your first negative result, you'll be overcome with relief and that feeling you've been dreaming of, where for 5 minutes there's finally no fear,God bless our countrymen and God bless our health workers. Praying for you all out there. Stay safe."