ni Mary Ann Santiago

Nagpaalala kahapon ang Department of Health (DOH) na ang mga siklista at mga aktibong transport users ay exempted at hindi kinakailangang gumamit ng face shields dahil potential safety risks nito.

Ang paalala ay ginawa ng DOH matapos ang mga ulat na may ilang siklista ang hinuhuli dahil sa hindi pagsusuot ng face shields.

“With increasing reports of cyclists and other active transport users being arrested for not wearing face shields, the Department of Health reiterates that active transport users are NOT required to use face shields due to its potential safety risks when used during active transport,” anang DOH, sa isang pahayag.

Eleksyon

Labor leader Sonny Matula, muling tatakbong senador sa 2025

Nabatid na ilalim ng Section II (B) (6) ng DOH Department Memorandum No. 2020-0534, kung saan nakasaad ang patnubay sa paggamit ng face shields, sinasabing ang mga indibidwal na gumagawa ng strenuous activities/work, fine workmanship, operation ng transportation vehicles, at active transport” ay exempted sa pagsusuot ng face shields.

Idinagdag pa ng DOH na sa ilalim ng Section II (A) (5) ng Joint Memorandum Circular No. 2021-0001 mula naman sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, isinasaad na dahil sa posibleng ‘vision impairment’ na maaaring idulot ng face shields, ang mga siklista at mga taong gumagamit ng iba pang uri ng active transport ay exempted rin mula sa mandatory use ng face shields sa labas ng kanilang tahanan.

“Nevertheless, pursuant to DOH-DOTr-DILG-DPWH Joint Administrative Order No. 2020-0001, the DOH emphasizes that face shields must be worn before and after cycling or other similar activities,” anito pa.

Pinaalalahanan rin naman ng DOH ang mga active transport users na kinakailangan silang gumamit ng face masks; obserbahan ang physical distancing, magsagawa ng respiratory hygiene practices, at iba pang health interventions habang nagbibisikleta o gumagamit ng iba pang active transport para makaiwas sa COVID-19.