ni Mary Ann Santiago
Umaabot na sa mahigit P867 milyon ang pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) para sa COVID-19 testing na isinasagawa nito para sa pamahalaan.
Ayon kay PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon, ang total balance ng PhilHealth sa PRC ay nasa P876,048,574 na, hanggang nitong Abril 5 lamang.
Sinabi ni Gordon na kung mababayaran ng PhilHealth ang naturang halaga sa kanila ay malayo ang mararating nito para masustentuhan ang kanilang COVID-19 operations.
Malaki rin aniya ang maitutulong nito sa PRC para mapagaan ang paghihirap ng maraming most vulnerable residents at makapagsagawa pa ng mas maraming COVID-19 tests.
“I wish PhilHealth would pay us the amount (they owe us) para magamit namin ‘yan para matulungan ang mga nangangailangan. Hindi naman kami naningingil just for the sake of makapaningil but to roll over. Aside from replenishing our testing supplies, at the same time, we are going into this because there is a need to make sure that our people are safe in their homes, that the asymptomatic will be taken out to isolation facilities where they will be taken care of,” panawagan ni Gordon.
Ipinaliwanag pa ng PRC chief na ang patuloy na pagkabigo ng state health insurer na bayaran ng buo ang kanilang obligasyon ay nakakaapekto sa operasyon ng PRC, lalo na ngayong plano ng humanitarian organization na mag-set up ng isolation centers sa mga paaralan para sa mga asymptomatic na COVID-19 patients.
Ang mga itatayong isolation center ay plano aniya nilang lagyan ng mga higaan, showers, bath at may suplay ng pagkain, para maging kumportable ang mga asymptomatic spreaders sa panahon ng kanilang quarantine.
Sinabi pa ni Gordon na ang asymptomatic spreaders, na karamihan ay mga taong lumalabas ng bahay upang magtrabaho, ay dapat na maialis ng kanilang multi-generation households upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.
Ang mga pamilya namang maiiwanan ng mga ito ay dapat na mapagkalooban rin ng sapat na suplay dahil wala ring magpu-provide sa kanila habang ang breadwinner ng kanilang pamilya ay naka-quarantine.
“I hope the PhilHealth realizes that the money they are not paying us hurts our operations. They are paying in trickles and we are really having a very, very hard time. It’s hard talking to somebody who will say we will cut it by half in about two weeks. They said that about a month and a half ago and nothing has happened,” ayon pa kay Gordon.