ni Leonel M. Abasola

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go isa Philippine Health Insurance Corporation na paigtingin ang kanilang ayuda sa pandemya sa pamamagitan ng pagpapalawak ng protesksyon a medical cost lalo na sa mga mahirap nating kababayan..

“For faster recovery, PhilHealth should be more proactive by anticipating the needs of Filipinos even before they avail treatment and expand the coverage of its health insurance schemes accordingly,” ani Go,Chair of the Senate Committee on Health.

Aniya, kailangan ang dobleng trabaho para mabawasan ang paghintay ng mga pasyente na makapasok sa pagamutan, at mablis na transportasyon at pagsundo sa mga pasyente.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Iginiit din ni Go na dapat saklay ng PhilHealth ang mga pasyente na nasa tent lamang.

“Nakakaawa po ‘yung mga kababayan nating naghihingalo na tapos wala pang mahanap na ospital. Buhay po ang nakasalalay sa bawat minutong pag-aantay makakuha lang ng ospital, kama, at doktor para maalagaan sila, Huwag nating hintayin na nag-aagaw buhay na sa labas ng mga ospital ang ating mga kababayang may sakit. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para sagipin at gamutin sila,” dagdagpa ni Go