ni Bella Gamotea
Matapos ang paggunita sa Semana Santa o Kuwaresma, asahan ang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis,posiblengtumaas ng P0.65 hanggang P0.70 ang presyo ng kada litro habang walang paggalaw hanggang sa 5 sentimos na dagdag-presyo marahil ang maidaragdag sa presyo ng diesel at kerosene.
Ang napipintong dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Noong Marso 30,huling nagpatupad ng big-time oil price rollback o bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, P1.40 sa presyo ng kerosene,P1.30 sa diesel at P1.20 sa gasolina.