ni Zaldy Comanda

BAGUIO CITY – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng korte sa isang kilalang drug personality, matapos ang dalawang taon na paglilitis sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang life imprisonment ay ipinataw ni Judge Emmanuel Cacho Rasing, ng Branch 3,RTC First Judicial Region, Baguio City, kay Eduardo Cabonitalia Borce.

Bukod sa parusang life imprisonment ay hindi na pinapayagan na sumailalim sa parole at pinagmulta pa ito ng P500,000, kaugnay ng nasabing kaso.

National

Akbayan kay Harry Roque: 'Uwi ka na galit na kami, Interpol bring him home!'

Sa rekord ng korte, naaresto si Borce noong Hulyo 25, 2019 sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa bahay nito sa at Lower Quirino Hill, Baguio City kung saan nasamsaman ito ng P8,000.00 halaga ng shabu at karagdagang illegal drugs na .9725 gramo.