ni Bert de Guzman

Patuloy na itinutulak ang aktibong partisipasyon ng kababaihan sa pulitika para makatulong sa mga mamamayan.

Sinisikap ng mga advocate ng women empowerment at gender equality sa Kongreso na dapat bigyan ng pagkakataon ang mga babae na lumahok at pumalaot sa larangan ng pulitika.

Sa pagtutulungan ng Committee on Women and Gender Equality, Angat Bayi, Benilde School of Diplomacy and Governance, at Canada Fund for Local Initiatives sa ginanap na online meeting na may pamagat na forum “Women Can Lead", itinampok ang kakayahan ng kababaihan sa iba't ibang aspeto at larangan, kabilang ang pulitika.

Nanawagan si House Committee on Women and Gender Equality Chairperson Rep. Maria Lourdes Acosta-Alba ng Bukidnon sa kanyang kasamahan na gumawa ng mga paraan at hakbangin para makalikha ng mga oportunidad sa kababaihan na maghawak ng mahahalagang posisyon sa gobyerno at magkaroon ng tinig sa mga desisyon at isyung pambansa.

'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa