AFP

Na-prank ni US First Lady Jill Biden ang mga reporter at tauhan na lumilipad pabalik mula sa isang biyahe kasama siya noong Huwebes, nagkuwari siya na isang flight attendant at namigay ng mga ice cream bar para sa April Fool's.

Ang Staff, Secret Service at press ay binigyan ng panghimagad ng isang babaeng may maikling itim na buhok, naka-itim na face mask at nametag na may nakasulat na "Jasmine," na bumisita sa mga cabin habang ang first lady ay bumibiyahe pauwi sa Washington pagkatapos ng pagbisita sa California.

Makalipas ang limang minuto, muling lumitaw si "Jasmine" sa press section, tinanggal ang wig, na inilantad ang kanyang sarili na walang iba kundi si Biden mismo.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

"April Fools!" kinililig na sinabi ni Biden sa mga reporter.

Ang insidente ng ice cream bar ay hindi ang unang pagkakataon na niloko ni Biden ang mga kapwa niya biyahero sakay ng kanyang eroplano.

Minsan na rin siyang nagtago sa isang overhead compart sa Air Force Two nang ang asawa niyang si Joe Biden ay vice president, sumisigaw ng "Boo!" sa unang tao na nagbukas dito,ayon sa media ng US.

Ang ulat sa pool sa insidente noong Huwebes ay inamin na ang mga mamamahayag ay "totally fooled” ngunit “took comfort in the fact that none of FLOTUS’ staff recognized Dr. Biden in disguise either."

Ang mga vanilla ice cream bar na may chocolate coating "were delicious," dagdag dito.