Ni Raymund Antonio
Ang pagtawag para sa mabisang pamamahala sa gitna ng pandemya ng COVID-19 ay ang pinakamahusay na paraan upang pakinggan ang tawag ng Diyos na mahalin, protektahan, at pangalagaan ang bawat isa, sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Huwebes Santo, Abril 1.
“In this time of pandemic, love means doing everything we can to protect the person next to us from infection. It means spreading correct information about the virus and the vaccines. It means calling for effective pandemic governance,” sinabi niya sa kanyang mensahe sa Semana Santa.
“It means helping those in need, and orienting our thoughts and actions towards the other. It means ensuring that the truth that binds us all is upheld.”
Ang pandemya, idinagdag ni Robredo, ay isang nagbubuklod na karanasan ng pagiging tao. Dapat nitong ipamulat sa mga Pilipino na sila ay mas malakas na magkakasama at ang pagtulong sa mga nasa laylayan ng lipunan ay magpapaangat sa lahat.
“Malaki ang hamon ng ating panahon, pero palaging mas malaki ang pagkakataon—pagkakataong, makatulong, makiambag, at magmahal,” banggit niya.
Ito ay isang pagkakataon upang maipakita na ang mga Pilipino ay inaangat ang isa't isa, binigyang diin ni Robredo, at walang puwang para sa pagkamakasarili dahil itinuturing ng mga Pilipino ang bawat isa bilang kapatid.
Habang inaamin na mahirap para sa marami na makahanap ng pag-asa sa gitna ng mga banta sa kalusugan at kabuhayan, sinabi ng bise presidente na dapat ipaalala ng Semana Santa sa mga Pilipino na ang pag-asa ay nakatanim sa kanila.
“Sabi nga ni Pope Francis, we were made by God for love, and love is the greatest expression of hope. We find hope and we give hope by loving and following the footsteps of Christ.”
Ang pag-ibig na ito, sinabi ni Robredo habang binanggit niya ang Santo Papa, ay magigingating “most effective tool in building a new world” - isang mas mahusay na normal at isang patas at mas makataong lipunan.
“Love is what allows us to see our fellow human beings as part of the same family, as our own brothers and sisters. And in this time of crisis, sa sabay-sabay nating pagharap sa mga hamon ng pandemya, tinatawagan tayong mas lawakan pa ‘yung saklaw ng minamahal natin,” sinabi niya.
“Pag-ibig sa kapwa ang pinakamaka-Diyos na layunin —and we lay God’s love forward by being there for our fellow human beings,” dagdag ni Robredo.
Ngayong taon ang pangalawang pagkakataon na igugugol ng mga Pilipino ang Semana Santa sa bahay at hindi ginagawa ang tradisyunal na Visita Iglesia, Miss, at mga relihiyosong pagtitipon, ngunit sinabi ng bise presidente na hindi ito dapat pumigil sa mga Pilipino na obserbahan ito sa kaligtasan ng kanilang mga tahanan.