ni Jun Fabon
Timbog sa buy-bust operation ng mga elemento ng Quezon City Police Distric (QCPD) ang dalawang madulas na tulak ng “damo” nang masamsaman ng 400Bgramo ng marijuana sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.
Base sa report ni QCPD Director PBrig. Gen. Danilo P. Macerin, kinilala ang arestadong mga suspek na sina Jan Carlo Montealto, 27, ng Laurel St., TS Cruz Subd., Barangay San Agustin, QC, at
Marvin Jordan Wuanson, 22, ng Urbana St., Jonaville Subd., Bgy. Nagkaisang Nayon, ng lungsod.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Fairview Police Station (PS5), bandang
9:00 ng gabi kamakalawa, natimbog ng station drug enforcement unit (SDEU) ng QCPDPS5 at QCPDPS16 ang dalawang courier ng marijuana sa ikinasang
buy-bust operation sa Montealto Compound, JP Laurel St., TS Cruz
Subd., Brgy. San Agustin, Quezon City.
Nakumpiska kina Carlo at Marvin ang 26 plastic sachets ng pinatuyong
dahon ng marijuana o 400 gramo na nagkakahalaga ng P48,000, at buy-bust money.
Samantala, apat natulak ng shabu naman ang natiklo sa anti-drug operation ng QCPD PS3 at PS2 makarang makumpiskahan ng P202,000 halaga ng nasabing droga.
Iniulat ng Hepe ng Masambong Police Station (PS 2), PLTCOL Ritchie R. Claravall, ang mga inaresto ay sina Harveyneil Acaba, 27, ngSitio Militar, Bgy. Bahay Toro, Quezon City; Maila Andan, 46, ng Macaba Compound, Upper Banlat, Bgy. Tandang Sora; Sarah Baylon, 32, ng Upper Banlat, Bgy. Tandang Sora at
Jeffrey Oro, 36 -anyos ng No. 66 Tanguile St., Brgy. Veterans.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang P210,000. halaga ng shabu at
buy-bust money.
Dakong 11:00 ng gabi hanggang 1:00nng madaling araw kahapon nang ikasa ang anti-illegal drug operation ng PS3 at PS2 sa Bansalangin St., Bgy. Veterans Village, Quezon City at sa Ilalim ng Tulay, Bgy. Unang Sigaw ng Lungsod na ito.