ni Jun Fabon

Muling nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs), gayundin sa mga publiko na gamitin at tangkilikin ang StaySafe.Ph application para higit pang mapalakas ang pagsasagawa ng digital contact tracing sa bansa kontra COVID-19.

Tahasang sinabi ni DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., na ang online application ay isang epektibong pamamaraan para mapaghusay pa ang isinasagawang contact tracing sa lahat ng panig ng Pilipinas.

Anila, dapat gamitin ang iisang app lamang upang mapadali ang mahusay na ang contact tracing reporting.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

“Instead of using other apps, it is imperative for LGUs to use the StaySafe app for a unified system that will allow seamless, fast, and efficient contact tracing efforts,” ani Florece.

Dagdag pa ng opisyal, bagaman pabor ang DILG sa inisyatibo ng LGUs at mga pribadong kumpanya na bumuo ng sariling contact tracing systems, mas magiging madali ang lahat para sa mga awtoridad at mga medical experts, kung ang StaySafe.Ph app na lamang ang gagamitin.

Ito ay para mabilis na matunton at magamot ang mga kaso ng sakit sa buong bansa.