ni Beth Camia

Kumpiyansa ang OCTA Research group na bababa sa 1.55 ang reproduction number ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila sa Abril 5.

“Significant naman ‘yung decrease and in fact naka-two days pa lang tayo ng ECQ. We’re expecting na bababa ‘yung reproduction number by the end of the week, baka nasa 1.4 na lang siya or 1.3,” ayon kay Dr. Guido David ng OCTA.

Sa kasalukuyan, nasa 1.86 ang reproduction number sa rehiyon habang 2.05 naman bago ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Dagdag nito na maaari pang bumaba sa 1.18 ang antas ng pagkalat ng sakit sa pagitan ng Abril 6 hanggang 12.

Pero ipinaliwanag ni Guido na ang pagbaba ng antas ng pagkalat ng COVID-19 ay hindi indikasyon na bababa rin ang bilang ng kaso nito.

Inirekomenda rin ng grupo na palawigina ng NCR Plus bubble, gayundin ang rekomendasyon ng Department of Health (DoH).

Isang linggo nang sumisipa sa 9,000 kada araw ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.