ni Fer Taboy

Naaresto ng militar ang tatlong kaanib ng New People’s Army (NPA), kabilang ang isang buntis matapos ang sagupaan ng magkabilang panig sa isang liblib na lugar sa Bukidnon, nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ni Maj. Jerry Lamosao, Spokesperson ng 10th Iinfantry Division (ID) ng Philippine Army, ang mga suspek ay kinilalang sina Leonardo Ejanel, alyas Gamay, commanding officer; Ryan Desalao at Merlyn Bentang, alyas Lalay, 20, pawang kasapi ng Communist Party of the Philippines-NPA-Southern Mindanao Regional Committee.

Ayon kay Lamosao, nahuli ang tatlo nang makaengkuwentro ng tropa ng gobyerno ang kanilang grupo sa Kitaotao ng naturang lalawigan.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

Bago ang sagupaan, nakatanggap ng impormasyon ang militar kaugnay nang namataan grupo ng mga rebelde sa lugar.

Dahil dito, agad na nagresponde ang mga sundalo sa lugar na nauwi sa bakbakan hanggang sa maaresto ang mga ito. Tanging si Bentang ang nasugatan sa tatlong naaresto.

Narekober sa tatlo isang M16 Armalite rifle; tatlong magazines; 88 rolyo ng 5.56mm ammunitions; dalawang cellphone; mga gamot; pagkain at mga personal na gamit.

Nahukay din ng militar ang mga naibaong karagdagang baril na kinabibilangan ng isang M16 Armalite rifle; dalawang Colt M-16 rifle; tatlong bandoleers at 268 rolyong bal ang Cal. 5.56mm.