Ni NITZ MIRALLES

ANG daming nag-congratulate kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa ginawang groundbreaking ng kanilang future home sa Peninsula de Punta Fuego, sa Nasugbo, Batangas. Rest house siguro ng mag-asawa ang kanilang ipatatayo dahil may bahay na sila na tinitirahan nila ngayon.

Tsika at Intriga

Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Isinabay sa 31st birthday ni Matteo noong March 26, ang groundbreaking ng bahay nila sa Nasugbo, Batangas. In fairness kay Matteo, responsible and loving husband siya kay Sarah. Karamihan sa nakikita naming photos nilang dalawa, kundi nakahalik siya sa pisngi ng asawa, nakaakbay siya.

Ang kulang na lang para mas maging masaya ang pagsasama nina Sarah at Matteo ay tanggapin na ng pamilya ni Sarah ang kanyang asawa. Marami ang naghihintay makakita ng larawan na ang pamilya naman ni Sarah ang kasama nila ni Matteo.