Ni ANALOU DE VERA

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na manatili sa bahay sa Semana Santa upang mabawasan ang kanilang peligro na mahawahan ng virus na nagdudulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Ginawa ang pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay sa gitna ng mabilis na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

“Alam ko po at naiintindihan ko po ang ating religious activities during the Holy Week. Pero sana, tayo pong lahat magsama-sama at magtulong-tulong na magdasal muna po tayo sa bahay, magkaroon ng time also with family para maiwasan natin ang further infection among our household in the community,” pakiusap ni Vergeire nitong Biyernes, Marso 26.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Ang Holy Week ngayong taon ay magsisimula sa Linggo, Marso 28, at magtatapos sa Sabado, Abril 3. Ang Linggo ng Pagkabuhay ay sa Abril 4.

Sinabi ng World Health Organization (WHO)-Philippines na ang pananatili sa bahay sa pagdiriwang na ito ay “the best sacrifice you can do this Holy Week.”

“It is a Filipino tradition to spend the Holy Week with our families. This is how we show our love and pass on family values to the next generation. COVID-19 is present in many of our communities so we must celebrate the Holy Week safely and stay at home,” sinabi ng WHO-Philippines.

“Be safe and a role model when having family dinners and get-togethers, that are limited to occupants in your homes,” dagdag nito.

Ipinaalala rin ng WHO-Philippines ang iba pang safety precautions.

“Ensure that you and your loved ones wear a mask properly, maintain at least one-meter distance, frequently wash hands, and open windows and doors to improve air circulation whenever possible,” ayon dito.